AHS STARBATCH KAPIHAN

Welcome guys in our Forumotion where we may help you find our classmates whatever year you graduated! We are your friends who are basically batchmates of 1977. Come on have coffee with us! Again, thanks for visiting our blog!!!
 
HomeLog inRegisterMemberlistGalleryFAQPortalSearchLARRY FRIENDSTERUsergroupsThe Old QT Kapihan
Search
 
 

Display results as :
 
Rechercher Advanced Search
Latest topics
» “ANG KINABUKASAN” – ARAULLO HIGH SCHOOL BATCH 1977 YEARBOOK
Thu Sep 29, 2011 9:39 am by Manny.Ace.Fresh

» WELCOME ARAULLO HIGH SCHOOL GRADUATES ... !!!
Thu Sep 29, 2011 8:32 am by Manny.Ace.Fresh

» Batchmates 77 Reunion
Fri Sep 09, 2011 6:08 am by Manny.Ace.Fresh

» What happened here?
Fri Sep 09, 2011 6:06 am by Manny.Ace.Fresh

» Carbon Raisers Manufacturer India
Fri Jun 24, 2011 2:01 am by sanjay1

» fashion world
Mon Jul 05, 2010 3:02 am by ivypiano53

» THIS TOPIC IS CLOSED ...
Thu Jan 21, 2010 8:03 am by Manny.Ace.Fresh

» ANNOUNCEMENT ... WELCOME AHS GRADUATES ... PLEASE READ
Thu Jan 21, 2010 12:42 am by Manny.Ace.Fresh

» WELCOME AHS77 STARBATCH KAPIHAN ADDICTS...
Sat Sep 20, 2008 3:18 pm by labornurse

Navigation
 Portal
 Index
 Memberlist
 Profile
 FAQ
 Search
Forum
Affiliates
free forum
 

Share | 
 

 WELCOME AHS77 STARBATCH KAPIHAN ADDICTS...

View previous topic View next topic Go down 
Go to page : 1, 2, 3 ... 9 ... 17  Next
AuthorMessage
Roel/Letty Pelagio



Number of posts : 216
Registration date : 2007-11-04

PostSubject: Good day everbody!   Tue Aug 12, 2008 8:53 pm

Warm hello to all of you my dear batchmates -> Larry P. Tan (AHS '77 Starbatch Kapihan Forumotion Administrator & Creator), Pareng Freddie (Alfredo Nicdao), Rudy Victor Ingiaen, Roel & Letty Pelagio, Elie (Eleonor Salvador-Cruz), Prislette (Priscilla Sandoval-Recidoro), Jaime Dabu, Pareng Jun (Cirilo Papa, Jr.), ATG or Anna (Annabelle Tupaz-Gueco), Trifee (Trifelino Miaco), Thelma Peña-Meneses, Pye (Annabelle Ignacio-Sarmiento), Susan Alonzo, Dodie (Aurora Babao-Calaguas), Samuel Concepcion (brother of Rodolfo 'Ompong' Concepcion), Audie Amante, Nanette (Lilia Matias-Reyes), Ramir Sta. Ana, Manny.Ace.Fresh (Emmanuel Cagape), Ehris (Erestylin Torres-Ho), Manny C. (Manuel Venancio Cortez), James (Jaime Dungca), Ronnie (Fernando Labao) & Randy (Fernando Nuñez III). Please note the reason why I typed all the complete names of ours, for the sake of new additional batchmates here na sina James, Ronnie & Randy (at para sa inyong tatlo, all the names I've mentioned above ay mga may postings na rito, yung iba ay talagang busy sa work & we really miss their messages here).

Larry -> hi & happy to read your recent posting here & thanks for your e-mail including the link that you've posted here too & for your info I've watched already the video which really touched my heart (unique ang pagmamahal ng ama sa anak, I can even say na that is an example of the "real & true meaning of love, no boundaries, untiring & unconditional) at kapag parents na ang issue, medyo nagiging sensitive tayo, kaya sa mga magigiting na tatay naming batchmates, kailangan talagang mapanood ninyo yung video, then let us know how you feel about it, sandaling minuto lang naman to watch it. I can honestly say that God is really everywhere, that's why we have to be thankful to Him for whatever blessings He's giving us & our respective families too

James -> musta ka na? Ang saya palagi ng messages mo, totoong ang lakas pa rin ng memory mo dahil nakakatuwang basahin lahat ng kwento mo. It's ok w/ me to call me Mareng Letty kahit dito man lang sa forumotion. Ok din ba sa iyo na tawagin kitang Pareng James? Just to let you know na nung January this year lang kami naging tunay na magkumpare/kumare nila Pareng Freddie & Pareng Jun kasi kinuha ko silang pareho na ninong ng bunso namin ni Roel nung kumpilan & happy kami ni Roel kasi nakapunta sila mismo sa simbahan nung araw ng kumpil, then diretso kami dito sa house namin. It's good at isinama ni Pareng Freddie yung pretty wife niya na parating naka-smile. About Anna, hay naku James, lagot ka kay Mareng ATG (Annabelle Tupaz-Gueco), sabi mo ay wala kang masabi about her, maybe kapag nalaman mong classmate din natin siya, babawiin mo ang sinabi mo. I'm sure, kilala mo kaming lahat na girls (kasi di ba since 3rd year ay sama-sama na tayo?). And as what I've told Prislette na may sasagot sa tanong niya about computer, hayan na nga at binigyan mo siya ng idea sa magandang brand ng computer or laptop, in case she decides to buy na nga. Hay naku James, mababaw talaga ang luha naming mga moms na when it comes sa mga anak, especially me na 2 girls ang anak namin ni Roel, kaya nga I gave-up my career when I gave birth to my 1st child, it's my own decision dahil ok naman ang work ni Roel & besides I don't have any regrets at all kahit naging full-time wife & mother ako sa 2 kids namin. I'm satisfied & happy for what I'm doing for my family, kahit walang school sa parenthood, still "it's all coming from within & thru God's guidance", we can be a responsible & good parents to our kids. Kaya nga ako, even I'm not a perfect wife or mom, I make sure naman that I'm always giving my very best para sa family ko, especially to my kids at kahit papaano ay masuklian ko ang sacrifices ni Roel away from us, ganun din ang situation mo James di ba, mahirap ang malayo sa mga mahal sa buhay, pero kailangan eh, lalo pa nga ang nature ng work ni Roel ay sa barko, mas delikado ang nature ng work ni Manny.Ace.Fresh. And kudos din sa inyong mga hardworking & responsible DADS, kasi kayo ang nagbibigay ng magandang future para sa isang family. Nangiti naman ako James when you've mentioned the word "sway, sway", it's an Arabic word di ba, which means "dahan-dahan", isa iyan sa common words that I've learned when I worked in Oman. Kahit dito sa bahay ay nagagamit namin yang salitang yan ni Roel, kaya nga bigla kaming nagtatawanan eh, sometimes, may iba siyang meaning diyan. Pakitanong mo naman si Ronnie Labao & Pareng Randy mo kung bakit hindi na nasundan ang postings nila ha!

Manny.Ace.Fresh -> hey batchmate, nice to hear from you once again! Ikaw talaga, biro ba or pampalakas ng loob yung sinabi mong MIA ka lang & not KIA or WIA (knock-on-wood ha)? Anyhow, kahit ano pa ang sabihin mo, still very risky ang nature of your job. You know Manny, whenever I heard a news from cable tv or read from newspapers na very much ongoing pa rin talaga ang war diyan sa Iraq. Kaya always be extra care & our prayers are always with you

Ehris -> hello friend! Obviously, kapag mga anak ang pinag-uusapan ay very much inspired tayong mga parents, di ba? I agree with you 100% na sa mga anak natin umiikot ang mundo natin, it's all for them, kahit hindi maiwasang may mga pagkakataong napagsasabihan natin sila & soon enough, they will understand us din. Yes, once na magkaroon na ng sariling laptop si Prislette, masayang makapag-chat tayo ng sabay-sabay, same as w/ some of our batchmates na makikita nating naka-online din

To all of you -> warm regards from me & Roel! Smile
Back to top Go down
View user profile
James Dungca



Number of posts : 37
Registration date : 2008-08-04

PostSubject: Moments of thoughts to remember   Wed Aug 13, 2008 4:39 am

Mareng Letty,
I would love to call you mareng Letty and si Pareng Roel din bcoz' we all know each other so much sa Paco days dating back when we were young once. If only I can reach you guys ng isilang sa mundo ang aking mga anak definitely ninang ka rin nila. Since sina Pareng Randy NunezIII and remember Pareng Ronaldo Aldo Big boy Santos (IV-2)...ang aking mga close associates na palaging nakikita, isa sila sa mga kinuha kong ninong ng aking panganay na si Carla who is now in college. Thanks pala at natutuwa ka sa mga messages ko hayaan mo i will make sure palagi akong magsend ng message dito kahit di makapagsend sina Pareng Randy at Pareng Ronnie dito.

Naku sorry tlagang diko matandaan si Anna at ang mga natatandaan ko tlaga ay itong si Myrna singkit na patay na patay ke Josefino Geli atcheng heheheee....sus wala ng ginawa yun kundi tumingin ng tumingin ke Geli eh katabi ko pa naman si Geli sa upuan. Kada kalabit sa akin ni Geli sasabihin niya Dungca, tingnan mo nakatingin na nman si Myrna hehehe..sorry Myrna kung nasan kaman pasensya na at mejo naisama kita dito sa forumation. Describe mo kasi si Anna sa akin at ng maalala ko, patay ako nito ke Annabelle Tupaz. Si Annabelle pa naman sinayaw ko sa party nuon sus, grabe anlayo ng pagitan namin pwedeng dumaan ang tren at itong si Teresa Rivera na super ang sungit sa akin tinatwanan kami sa itsura naming magsayaw.

Meron pa tayong classmate na mataba nalimutan ko name niya taga Herran Paco me ari sila ng furnitures pinapasyalan namin palagi nina Roel,Ernesto Ong, Editha Gonio at ibang mga tsiks ewan ko kng kasama ka dun. Mabait yun pero super higpit na classamates nambubulyaw kasi incredible hulk anlaki niya. No ba name niya kalimot kona. Sway sway lang talaga alam mo yun ha, kaya nangingiti ka kasi me ibang meanings hehehe..ganun kami nina Pareng Freddie sway sway lang maski saan hindi yun aligaga basta kami komportable lang kahit maraming assignment kopyahan lang palagi at bahala na yung ibang matatalinong classmates nagpapakoya naman sila e hehehehe...

I'm lucky enough dahil late 2004 nako nakapagwork sa middle east dahil kung early 80s patay tayo jan at walang pang internet nun,mahal ang ld call at walang eat bulaga at wowowiee hehehe. buti dun ako sa southeast asia nakapawork ng matagal. Ang hirap pala dito sa middle east super init at culture shock ang unang dating ko dito pero ok lang dahil I can manage myself naman agad. Veteran naman tayong ofw kaya everything can manage.

Master Triffy,
How are you master??? never heard from you kahit hi man lang. Ingat ka palagi jan sa Virginia lalo pa andaming praning koreano jan na shooter.Lam mo na yung nangyari nuon. Send ka naman ng status mo diyan at sayang ang galing mo pa naman sa mga tiklado ng englih at tagalog dictionary hehehehe...

Prislette,
Where are you na iha? miss na namin ang mga messages mo. Alam mo sa pagpili sa kulay ng laptop lalo na syo pambabae of course maganda kulay pink pusha dba? Sabi nga nila yung pink pusha daw ngayon malakas ang dating lalo na ke Bayani Fernando ng mmda at lalot higit ke Richard Gutierrez ng magsuot siya ng pink pusha na t-shirt ang galing ng dating dami tuloy gumaya. Kami nuon pag pink pusha ang suot sbi baduy at pambading o pangbabae. But when I worked in Singapore andaming mga white people I saw wearing pink pusha kaya kaming mga Pinoy napagaya na rin magsuot ng pink pusha na Giordano t-shirt. But of course suggestion kolang ito hane, you can also choose green pede rin.

re,laptop ulit...pag bumili ka na ng laptop, you also should buy a cooling pad with fan inside uso ngayon yun sa laptop. Why because nagiinit ang ilalim ng laptop so it's better meron kang cooling pad dahil ang mga laptop mahina ang cooling fan niya sa loob. One more thing, when not in use at nakaclose ang laptop wag mong papatungan ng any heavy object on top to protect the lcd ng laptop,sensitive kasi yun. At saka it's better you buy na rin optical mouse for laptop dahil mahirap gamitin ang finger pointing. Buy optical mouse na babagay sa size at fit ng finger mo andaming magandang design ngayon pati color iba at size ang cute tingnan...super.

At isa pa and don't ever forget this,wag na wag kang magkakape o maglalagay ng bottled drink sa tabi ng laptop pag gumagamit ka at baka matabig mo at mabuhusan ang keyboard patay tayo jan....deadset si laptop kaya bili ka ulit ng bago. Lalo na pag pumupunta ka sa mga coffee shop naku ingat ka ha? And and more last thing pala, pag sakaling nagkakatampuhan kayo ni Jun, wag mo ipukpok ang laptop ha, kamay na lang please para hindi masira...joke only ha hehehehe...

To all of you there...hi and hello...mabalos pa from Qatar

rgds,
James
Back to top Go down
View user profile
James Dungca



Number of posts : 37
Registration date : 2008-08-04

PostSubject: Lagot ako ke Anna   Wed Aug 13, 2008 9:09 am

Mareng Letty,
Nakita kona si Anna...Annabelle Tupaz Gueco aka ATG...sorry kasi yung ibang post nalalagpasan ko at ng makita ko si Anna...aba at si Annabelle nga po...

Hi Anna...how are you miss you na po.Alam ko naging head ka sa isang popular photo print company, yung kalaban ng Kodak what's the name of that company again?

rgds,
James
Back to top Go down
View user profile
ehris_ho



Number of posts : 30
Registration date : 2008-03-28

PostSubject: Pareng James, eto yung sagot..........   Wed Aug 13, 2008 4:30 pm

Hi kumusta na kayong lahat ulit. I just read our recent postings and nakita ko question mo James, yung sinasabi mong classmate natin na taga Paco na may furniture store eh si Cristina Solas, i knew her too well kasi nung elementary classmate natin sya and tama ka mahigpit talaga yan pero super bait. If i am not mistaken, Batanguena din na tulad ko. I remember pag may kailangan ang family ko na furniture sa kanila kami bumibili kasi nga may discount syang binibigay sa amin. Lagi din kami doon sa bahay nila nung elementary tayo, kasi nga puro naman tayo mga batang Paco diba? Hopefully nga mahanap natin si Cristina. Buti naman naalala mo si Anabelle kasi kung hindi lagot ka talaga sa kanya! (ha ha). Eh isa yan sa mga magandang binibini ng batch natin nuon, mestisa kasi diba? And alam mo ba na si Edith Gonio eh isa rin ya sa mga naging best friend ko nuong elementary rin, palagi din ako sa bahay nila sa Paco, malapit doon sa may bandang South Superhighway, then nung mag-asawa si Edith eh kilala ko rin kasi taga Anak-bayan, so halos araw araw nagkikita kami. She got a small store na ang tinda nya eh gulay, fish etc. Diba yung mom nya eh may puesto sa Paco market na mga manok ang tinda nila. Suki din kami ng nanay nya and kilalang kilala ako sa kanila, kasi nga we are that close. Oo nga pala, like Letty, natutuwa akong tinawag mo rin akong Mare, sige na nga, sayang din at hindi ko pa kayo nahanap lahat before eh di dapat pala ninong at ninang kayong lahat ng mga anak ko (ha ha). Kaya sige Pards, at least me kumpare na akong tatawagin sa batch natin. Ingat ka lagi and oo nga wala ng kasunod posting nila Ronnie and Randy, busy siguro sila sa mga respective jobs nila. Till then and ingat ka lagi dyan sa Qatar.

Hello Letty, nakausap mo na si Prislette recently? Di ko pa sya natawagan ulit. Ikaw nga tinitingnan ko lagi kung online ka dito sa forum, pero di kita maabutan. Anyway, nag-enrol pala ako ng Pilates class dito, pang relieve daw yun ng stress at the same time maganda sa health. Kasi nga naging potato couch na naman ako nitong winter, ni mag-walking tamad ako kasi malamig, i guess its about time na mag-exercise ako ulit, syempre alam mo naman hindi na tayo bata, kaya etong hgh blood pressure eh nananamantala! Ang mga boys ko back to normal routine nila sa school, ay ang bilis magsilakihan talaga, yung mga uniforms nila paiksi ng paiksi, pati mga paa, size 9 sila both at the age of 12 and 13 biro mo. Natatawa nga kami kasi mas malaki pa ang sieze ng paa nila sa Daddy nila eh si Albert size 6 lang! Even ngayon ang tangkad na ng bunso ko, pero buti na rin lang hindi nakuha yung height naming mag-asawa (ha ha). Hopefully rin matatapos na itong lamig na ito, ayaw ko talaga Letty ng winter na, sobrang ginaw this time! Susceptible tuloy lagi sa colds and flu kahit may flu vaccine na kaming lahat. Sige i'll chat with you na lang this weekend ha. Ingat and kumusta sa mga bata and kay Roel.

And to all of you dear batchmates, take care always, hope to see your postings here soon and Gud day from the land down under! Keep smiling! Smile
Back to top Go down
View user profile
TRIFEE



Number of posts : 82
Registration date : 2007-11-16

PostSubject: hELLO from Trifee   Wed Aug 13, 2008 10:59 pm

Hi everyone!

Hello James Dungca. Bilib ako sa memory recall mo pare. Nakakatuwa ka talaga! I miss our chess escapades and more ... in high school.

Letty ... nice to talk to you over Yahoo Messenger!

Larry, how are you?

Prislette and Jun ... best regards! Medyo adjusted na rin ako sa work ko dito sa Virginia.

Hello also to Freddie Nicdao, Randy Nunez, Ehris, Thelma, Audie, Manny Cortez, Jun Papa, Manny.Ace.Fresh, Annabelle 'Pye', Dodie, Jaime Dabu, Net Reyes, and everyone at AHS Batch 1977!
Back to top Go down
View user profile
labornurse



Number of posts : 71
Registration date : 2007-11-04

PostSubject: Ang Saya Talaga dito!!   Thu Aug 14, 2008 1:16 pm

Dearest coffee lovers, tea lovers, juice lovers, beer lovers, etc.,


Ang saya-saya naman ng mga postins lately. Ang gandang basahin at talagang napapangiti ako habang nagbabasa.

Freddie: Wow ! Hindi ko alam na may pagka-makata ka pala. Ang akala kong makata noon ay si Randy lang yata. May itinatago ka rin pala. Ang ganda naman ng poem mo, tamang-tama ang mga rhyme. The last postings ninyo nina Randy, ay purong matatas na Tagalog. Mga salitang matagal ko nang hindi naririnig. Kasi dito sa trabaho, ako lang ang Pinay sa day shift. May dalawang Pinay din sa evening shift, pero dapat English naman ang salita namin during shift endorsement . Sa bahay naman. Taglish na rin ang salita, hindi minsan kasi naiintindihan ng mga bata.

Jimmy: Naku, thank you talaga sa mga suggestions mo for what laptop to buy & the accesories that goes w/ it ,too. Nakakatawa ka naman, yung last reminder mo: huwag ipupukpok ang laptop kapag nagalit. Ang lakas ng tawa ko talaga, kasi, para bang serious kang mag advice on how to take care of my laptop, tapos... biglang nagpatawa ka. I enjoyed it. Tama ka naman di ba? That is how to take care of a laptop. Nakita ko na rin ang latest picture mo, pero sino ka nga ba? Yun bang nasa kaliwa ( si Piolo Pascual) o kanan ng picture? Nevertheless, parehong pogi ang nasa picture. Tama ka pala sa sinasabi mong nagba-bluff lang ang mga anak ko regarding YM. Last time, nakita ko na nagcha-chat yung bunso kong anak sa mga friends niya. Obvious ba, ayaw nila akong matuto para walang kaagaw sa computer. Naku, ang mga anak ko talaga! Pero love ko pa rin sila kahit niloko nila ako na walang capability daw itong computer namin for such.

Ehris & Letty: Hamo, malapit-lapit na tayong mag chat. Off kami ni Jun ngayon, mamaya, magti-tingin at magca-canvass kami ng laptop. We will look at the different brands na suggested ni Jimmy. Ang gusto kong kulay ay red as in lipstick red, para "daring at bold" ang dating. Sana naman, walang " limit ang budget" ni Jun. Medyo marami-rami ang suggestions ni Jimmy eh. Remember noong Mother's Day celeb namin, noong sinabi niyang he will bring me to a shopping spree? Yun pala, may " limit ang budget " niya. Di ba ako tuloy ang nagbayad ng iba kong purchases? I understand naman eh, He does not earn as much as I do, so ok lang. The "thought" is what counts, di ba? Good Ehris that you have enrolled in Pilates. Ako nga dito, medyo nag-gain na rin ng pounds. So eto, start uli ng treadmill & start uli to walk up & down the stairs at work & not to use the elevators. I used to do that, pero, lately, sumasakit na kasi ang mga buto-buto, but I have to start again what I used to do, para hindi mag mukhang lumba-lumba.

Triffee: Nice to hear from you again, So glad that you havenow been used to life in Virginia. Tawagan mo naman ako, or give me your home phone or cellphone, I will call you sometime. Isn't the time difference is only 2 hours ahead kayo? Sige nga, para maka-pag kuwentuhan tayo.

Manny Ace: So gald to hear from you again. Medyo nga naging MIA ka kasi, nakakakaba, kapag wala kang post, baka kasi may nangyari na sa iyo. Always be very careful in all your undertakings. By the way, are you in the "frontline"?? Are you in the Navy? Army ba or Marines? Nalimutan ko na. Kailan ba ang end ng "tour of duty " mo? Jun's brother, Phillip is in the Navy, he was deployed twice since the Iraq war has started. I think he was stationed in Afghanistan, but he is back now. Basta, pagbalik mo dito, let's get together. Kahit puntahan ka pa namin sa Livermore ba or is it Lemoore?

Ronnie & Randy: O, bakit hindi na nasundan ang inyong postings? Nakakabitin naman kayo.

Jun P & Larry: Where are you???

Annabelle (ATG): Nice to hear from you again, sana dalas-dalasan mo ang pag post dito. Ikaw naman, kung hindi ka pa kulitin ni Letty, missing in action ka din dito.
Back to top Go down
View user profile
Admin
Admin


Number of posts : 590
Registration date : 2007-10-22

PostSubject: AMBOT AMBOT KALUOY GID KAPOY by Dudong Lare   Thu Aug 14, 2008 7:48 pm

Hay nakuw, si Fride makata sa Tagalug
Ambot gid sabay pa si Firnandu
Ang didle sa balagtasan nung hay iskul
Kaya hito magbisaya na lang si Dudong Lauru!!!

Mga dudong at duday, magakalipay gid
Ang akon nga dire kasingkasing
Pur tu risons man, akon nga unahin
Back to nurmal kuneksyon at nu kurte!!!

Kalipay giud akon nga tagipusuun
Sa pagbasa ko man ng purumusyun
Nakita ko mga batchmits intir the dragun
Dire saton nga na chi-kahun!!!

Bisayang hilaw din itung si kabise nyu
Kaya pasensya na Ambot sa akun
Nga trying hard na hamun
Sa pruwesang punu ng iksprisyun!!!

Salamat, salamat musika,
Iste napakanta na tuluy ako hahaha,
Salamat pala sa mga Ey-Ich-Es '77 'bigan
Gin surprisa nyu kami dire sa Kapehan!!!

Kaya lang mi puna man ako mga katutu
Bakit amirikanayzd man din ang imu
Nga neymz, nagpatangus din ba kayu Ilung?
Kasi tunug kanu na ang dating pangu?

Dili man kayo dapat mahay-blood sa akon
Kasi ang pangu sudunim naton mga pinuy
Indi ko man sadya na itukuy
Sa indibidwal pirson, kasi brand nim yun!!!

Ambot, Ambot sa tanan
Ang Firnando nuun ay Rande na now?
Tapos ang isa pa'y Runnie naman?
At ang Igme man ay naging James daw?

Buti na lang di natuluy giud ang
Palit pangalan ni Lare Tan sa Mirika
Kundi isa pa kung haylayt ditu sa puwema
Adirwayz Larold Tanstun neym dire may-akda!!!!

Haaay, ambot, ambot kaluuy
Kapuy na itung si dudong nyu
Dami nga ubra dire sa Baguiu
Alis-pagud balik kung Glub!

Ambot, ambot, Kaluuy
Ul batchmits man gid kapuy
Sa damu nga naton nga na ubra
Wat is gud ih, gi-pust tayu dire sa blog!

Su-ri sa bisaya, gi-juk ko man
Imu nga dayalek para masaya
Ibig ku lang may kalipay
saton nga gid na chat aya-ayay...

Dangay naman kase maging
Sa Penikula ang bisaya ay pangkilig
Sa Kilite giud ni Juan at ni Jell
Kaya gin isep ku na puwem kuy ganiri!

Maayong buntag sa tanan
Ke Litte, Preslit, Ihres at Thilma
Suri man sa rung ispileng 'ne?
Patawarin itung si Lareng kabise!

Sa duwa nga na Annabille, at Ihle
Ki Nurena, Lelia ni Dudde,
Yung Frinec na dateng Fridde,
Maging ke Rody Vec at Treffii!!!

Kasama sa impurted si Ruel
Maging si Jon na syuta ni Preslit
Iste ispusu pala giud purgib mi,
Tapus si Jon Papi pa na missing ule!

Nu wondir si Cagape naging
Manne Ace na kasama ng puti,
At si Ramel na bisnis taykun ini,
Kaluuy man sa batch na nu moniy!

May isa pang Manne na manedyir
Ang utor ng AHS vidyu cintir,
Si Alix Labial na dili man sumiput dire
Maging si Math ginios na si Bautista Tire!

Bahala man kamo magpigyur out
Kung sino sa bisayang neymz namintion
Wa man magalit kase lahat tayu ambot
Natwest ispileng ng rull cull hir na gin-shout!!!

Hay ka-miss se biotipol Nit Riyis
Maging ang kolay kanu na si Nuil Roiz
Ang Murena kagwapang se Sosan Alunzu
Mageng sina Crestena Alunzu, Tirisa Yamsun, Umpung.

Miron pa bang di sumabet sakon nga
Na mimury gap at alzaymer hahaha?
I guiss wala na, kaya hito me magbabay
Sa inyu nga tanan, I LAB YO & GODBAY!!!!!!

Agustu 15, 2008
alas-10:28 ng buntag o aga


Last edited by Admin on Thu Aug 14, 2008 9:02 pm; edited 6 times in total
Back to top Go down
View user profile http://ahsstarbatch.forumotion.com
TRIFEE



Number of posts : 82
Registration date : 2007-11-16

PostSubject: hELLO from Trifee   Thu Aug 14, 2008 8:31 pm

Hello dear classmates!

After so long, I finally am able to write again. I want to share this poem which I just finished now ...

*** UNTITLED ***

Beneath your blue eyes lay the world.
Youthful, mysterious, and refreshing.
Those lips of pink that tell of early morning dewdrops.
Ah yes! Smile once more.
So that birds may sing again in chorus.
Those eyebrows of thin murmurs, laden with elegance.
And fresh leaves fold in adoration.
I see the wind blow those strings of silver and gold.
And nature has spoken once more of its wonders ...


by trifee
fairfax, va
14 Aug 2008
10:27pm
Back to top Go down
View user profile
Admin
Admin


Number of posts : 590
Registration date : 2007-10-22

PostSubject: HELLO EVERYBODY, OKAY NA CONNECTION KO...   Thu Aug 14, 2008 9:06 pm

OKAY LANG PO AKO SA MGA NAGTANONG SA AKING WHEREABOUTS, SALAMAT SA CONCERN! BACK TO NORMAL THOUGH MAY EXAMS PA SA SCHOOLS. PASENSYA NA KAYO SA BISAYA KONG POEM, KASI I LOVE VISAYA TALAGA. ONE THING NAIN-SECURE AKO SA TAGALOG POEMS NILA GAT FRENIC AT BALAGTAS DE LAUREL FERNANDO RANDY III. DAMO BESES AKO KADTO PERO BAROK PA DIN ANG BISAYA KO HAHAHA!!! SA POETRY KASI MAY TRENDS TODAY NA ORIGINALITY, EXEMPTED KASI ANG POETRY SA WRONG GRAMMARS AT TALAGANG OKAY ANG MGA TWISTS KAYA SORRY SA INYO KUNG LAHAT NG NAMES NATIN NA-BISAYA KO HAHAHA. I KOW IT'S JUST FOR FUN. SA U.S.A. DI KO GAGAWIN YAN HAHAHA!!!

I WON'T KEEP YOU, MAY BISITA AKONG DARATING NA MGA PASTORS SO I BETTER GO. 3-4 DAYS SILA AT MAGING BUSY KAMI TLGA. SIGE PO.

LETTY SINO BA SUSUNOD NA MAY BIRTHDAY? JUST TEXT ME HANE?
Back to top Go down
View user profile http://ahsstarbatch.forumotion.com
Admin
Admin


Number of posts : 590
Registration date : 2007-10-22

PostSubject: HERE'S YOUR RED CARPET!!!!   Thu Aug 14, 2008 9:14 pm


Back to top Go down
View user profile http://ahsstarbatch.forumotion.com
Admin
Admin


Number of posts : 590
Registration date : 2007-10-22

PostSubject: OUR CLASS PICTURE HERE IN FORUMOTION (JOKE)   Thu Aug 14, 2008 9:28 pm


Back to top Go down
View user profile http://ahsstarbatch.forumotion.com
NetReyes



Number of posts : 20
Registration date : 2007-11-28

PostSubject: I was taking time out from my daily task, and took a peek!   Thu Aug 14, 2008 10:36 pm

To my surprise!! Ang daming bagong postings!!
Parang namaga yata ang mata ko sa kababasa, hanggang halos mahulog na ang salamin sa mata.

Larry, halos sumakit ang tiyan ko sa iyo!!! Razz Razz Razz Hindi ko alam bisayang tisoy ka pala!! Hindi ko mapigil tumawa eh nag-iisa ako dito sa kuwarto! Exclamation Anyway, you really made my afternoon delight! Bawing-bawi ka na ha!
And the revelation of two poetic prowess of our batchmates! Galing talaga!!
Nakalimot tuloy akong mag-lunch break! Never mind, busog naman ako sa kuwento and katatawa! Very Happy Lalo na akong gumulong sa tuwa dahil sa class picture coming from Larry!! Tama ka dapat ma-update yan sa 2010!

Pasensya na if parang bula ang appearance ko dito sa Kapihan ha. Trying hard naman to post whenever my time permits. Busy lang po talaga sa work. Na miss tuloy ako ng ating si Mr. Admin, pati sa bisayang tulang paraan, I heard your message clear, promise I will be more in touch!

Bawing-bawi nga ako from the last time I posted my message, super daming news/kuwento. Bumabalik tuloy ang mga nostalgic high school memories! Happy to read all those kuwento. Masaya and magaan talaga ang feeling.

Hi, Prislette! I checked the email I sent on your birthday, na send naman. Anyway, bawi na lang ako sa iyo. Baka may problem lang itong internet namin sa office that time kaya you were not able to receive my greeting. What is important is that I had wished you good during your birthday! Wag magtampo…. Bawal yan sa friends, like I said I will make it up to you.

Hi to all our other batchmates, especially to Letty who’s been super maaalalahanin, wish you all the best of heath as always!

Love,
Nanette Reyes (Lilia Matias) flower
Back to top Go down
View user profile
elie030460



Number of posts : 19
Registration date : 2007-11-05

PostSubject: HELLO AGAIN EVERYONE!!!!!!!!!   Fri Aug 15, 2008 2:44 am

SO SORRY GUYS NOW LANG AKO NAKA PAG POST Sad BUT NEEWAYS ILL TRY TO MAKE UP FOR LOST TIMES I HOPE MAKA HABOL PA AKO!!!!!!!!!!


IM SO GLAD ANG DAMI NA NATIN BTW MALAPIT NA ANG ANNIVERSARY NG FORUMOTION HAPPY ANNIVERSARY TO EVERYONE !!!!!!!!

HI TO MY DEAR LARRY,LETTY,PRISLETTE (BELATED HAPPY BIRTHDAY MY DEAR), ANNABELLE, KA FREDDIE, THELMA,JUN PAPA, RUDY I.,TRIFEE, MANNY CORTEZ, JAIME DABU, AUDIE I HOPE WALA ME NA MISS OUT AND TO THE NEW KAPIHAN ADDICTS:: NET REYES, DODIE, EHRIS, JIMMY DUNGCA, RONNIE LABAO, RANDY NUNEZ ( i KNOW SOME OF YOU DONT PERSONALLY KNOW ME BUT HIR, WE ALL CONNECT AND BECOME INSTANT FRIENDS,)

I WOULD LIKE TO SHARE THESE TO ALL:

ONE PARAGRAPH THAT EXPLAINS LIFE!

Arthur Ashe, the legendary Wimbledon player was dying of AIDS which he got due to infected blood he received during a heart surgery in 1983.

From world over, he received letters from his fans, one of which conveyed:
"Why does GOD have to select you for such a bad disease"?
To this Arthur Ashe replied:
"The world over -- 50 million children start playing tennis, 5 million learn to play tennis, 500,000 learn professional tennis, 50,000 come to the circuit, 5000 reach the grand slam, 50 reach Wimbledon, 4 to semi final, 2 to the finals, when I was holding a cup I never asked GOD 'Why me?'.
And today in pain I should not be asking GOD 'Why me?' "

"Happiness keeps you Sweet,
Trials keep you Strong,
Sorrow keeps you Human,
Failure keeps you humble and Success keeps you glowing,

But only Faith in God & Attitude keeps you going...

TEN INSTANT YOUTHENERS




1. Stand up straight.

It will slim your waist and tummy, make your clothes hang better, and give you a more confident look.




2. Have some water.

Water is the difference between a plum and a prune. Get hydrated.




3. Wear a pheremone fragrance.

Pheremones, the just-below-the-radar scent that makes us attractive to others, diminish in midlife. A pheremone-imbued fragrance is a subtle way to mitigate midlife invisibility.




4. Cover your gray.

Some women look sensational with silver hair; if you're one of them, skip this. Otherwise, erase the gray, especially if you already color your hair and it's time for a touchup.




5. Invert yourself.

If you're a yoga student, do a headstand or a shoulderstand. Otherwise, spend 3 to 5 minutes on a slantboard with your feet higher than your heart. You'll feel relaxed, look refreshed, and get some color in your face.




6. Get a brow arch.

A good eyebrow arch (waxed or tweezed) can open your eyes and transform your face.




7. Fit in 15 minutes of cardio.

Hop on the treadmill, put on music and dance, or get outside and walk like you mean it. The increased circulation will show in your face and the feel-good endorphins will show in your day.




8. Do dry skin brushing.

Before your a.m. shower, brush your body with a dry body brush (find one at your pharmacy or natural food store). Start with your feet and work up to your shoulders (this not for the face). Dry skin brushing revs up circulation, wards off cellulite, and warms you up on a cold morning.




9. Drink a glass of fresh juice.

Freshly extracted vegetable and fruit juices are an infusion of vitamins and disease-preventing phytochemicals. Because they're immediately available for your body to use, a glass of juice---try carrot/celery/beet, or tomato/cucumber/lime---feels like an infusion of vitality.




10. Sit quietly and breathe.

Even three deep breaths, in out through you nose, can relieve stress and lower blood pressure. If you sit longer and watch your breath, you're meditating, and studies have shown that meditators are physiologically younger than the rest of us.


MAY WE ALL HAVE A BLESSED AND FRUITFUL WEEKEND FRIENDS!!!!!!!!!
Back to top Go down
View user profile
James Dungca



Number of posts : 37
Registration date : 2008-08-04

PostSubject: hello batchmates   Fri Aug 15, 2008 11:41 am

Hello Batchmates,
Linsyok talaga naman tinamaan din ako ng kamalasan ang haba ng message ko and when I sent it puff…ayun walang pumasok na message..grrrrrrrr.naalala ko tuloy si Prislette when I read one of her message about this long message she wrote then hindi nagpost. The moral lesson of the story is : Don’t send long message directly from the forumation. When we intend to send long message better yet use Microsoft word first then cut and paste to the forumation. That would guarantee a safety net for sure.

Mareng Ehris,
Nice to read your nostalgia at bilib ako sayo kilala mo parin si Cristina Solas. To think na pati si Editha Gonio ay bestfriend mo rin. Lahat kasi tayo puro laking Paco kaya mahirap malimutan ang mga yan. Kami din sa Paco Market me puesto dun sa tindahan ng mga sibuyas at bawang. There is one batchmate if you can recall his name na classmate ata nina Prislette and mejo payat siya. I forgot his name kasi. Clue here is meron din silang puesto sa Paco market yung kudkuran ng niyog sa loob papuntang tindahan ng mga isda. I’m sure malakas memory mo at kilala mo din siya right? At isa pa, close associate siya nina Ronaldo Aldo Santos yung kumpare ko din bukod kina Eric Baylon. Magaling siyang magdala ng joke at pag nagkikita-kita kami nuon siya lagi ang bangka tulad ni Ayee Marbella sa section namin. Kung si Ayee ang bangka sa amin sa joke siya siguro yung bangka sa section IV-2. I don’t know but for sure pag nagkita-kita kami ang galling niyang bumangka sa joke talaga.

So ayan lumabas na mga old age signs like high blood hehehee…like me at age 40 eto at nagka-hb na rin. Before I take norvasc but now the doctor changed it to coversyl. I bought one chinese wood carving na me mga spikes and it helps me my blood circulation. Why don’t you buy one in any Chinese stoer outlet there. Typical one like yung slippers na me mga spike it helps relieves discomfort really. Like me in the morning when I wake up my hands I can’t grip tightly parang namamaga. So when I bought this Chinese wood carvings naging ok na ang aking hand gripping and other discomforts. I think it helps a lot in the blood circulation para ba siyang acupuncture.Try it wala naming mawawala.

Master Triffy,
Gosh bestfriend ang galing pa rin ng English mo kung ako gagawa niyan it will take me 2 days at lalabas pa na maraming edit hehehehe….galing mo tlaga bestfriend. Si Daniel Singh yung batchmate natin remember? Before the Pepsi sponsored chess tourney sa araullo during Sunday ay under dog ito kako kasi mahina sa practice. But when the tourney started, bukod tangi siya ang angat at andaming winning points grabe diba?
Halos manguna siya sa leading mark tinalo ka pa hehehehe… Yun pala nagpapadama lang o tlagang magaling nga dahil walang kaba sa tourney sanay na sanay siya lumaro. Ikaw magaling sa practice but when it comes to tourney na, nakita ko anlakas ng kaba mo.

Remember when we joined with Campomanes Channel 4 Television chess blitz sa GSIS bldg dalawa lang tayo taga Araullo dun. I was able to survive the game nakalaban ko ang huling contender Si Campomanes pa nag-analyze ng game namin diba? You lost the game dun sa opponent mo kasi dami mong blunder kabado ka at saka blitz game kasi, pero pagdatng sa practice halos d ako manalo sa iyo.hehehee..

Prislette,
Katawa last part ng message ko ano? Just a reminder lang hehehee…nice to hear you want the red color, bold and daring wow ang galing. Kitam I told you you have the ym in the pc, kids are just trying to outsmart you. Nowadays they are the best when it comes to internet lalo na sa games. Ako nga di manalo sa anak ko sa kahit anong computer games.

Pag nabili mo na ang pc let me know. And besides if there is any problem or whatever just inform me rin at baka me maitulong ako ng konti. Don’t forget din to buy laptop bag hane, at best yung original leather na bag. So much for that muna.

Larry,
Goodness nakita ko mga pics mo sa old postings and you are very young and good looking. And the hair is still that firm. What’s the secret dudes? But still medjo ganun ka pa rin still slim and very formal. I was impressed with your painting really andami mo palang talent lalo na dun sa visayan lingo na poem ginawa mo gid, tawa ako ng tawa dun. Mga names naming na nabago hehehehe…ito kasi si pareng randy binansagan akong igme kaya ginawa kong James hehehehe.

I remember nagkita tayo sa bus from Escolta and you told me sa Escolta PNB ka nag wowork. My utol si Manny Dungca I’m sure you know him ex-araullo din siya ahead sa atin ng 2 yrs. He’s still in PNB I think since 1988 pa yun. I don’t know kung nagkita kayo o nagkakilala sa PNB. Malaki kasi ang PNB.

Mareng Letty,
I would love to call me Pareng James kahit ditto man lang sa forumation maging magkumare tayo at si Pareng Roel. We are both of the same place in Paco kaya very familiar faces tayo. Alam mo nagkachat kami ni Pareng Ronnie Labao at kako mag-post ka naman naliligaw daw siya di niya makuha. I told him simple lang yn, open mo forumation,then log in ka, then open ka ulit a separate forumation then makikita mo dun sa upper left side yun red na post reply clik mo lang then send message. OO daw at gagawin niya. Kako kahit hello lang oo daw. Then pag open ko ditto wala pa rin Si Pareng Ronnie tlaga, twagan mo nalang kaya ano? Si Pareng Randy I thnkvery busy sa teaching He’s having some important project being undertaken at pag natuloy he might go to southeast east asian country on a project basis ng Asian Bank. He’s a formet consultant sa government financial institutionsa Truuk Island malapit sa Micronesia.

Hi Lilia Matias (Nette Reyes)
I know you very well Lilia, you are one of the adoring student ng araullo. You might not be familiar with me Jaime Dungca but I know you really. I’m sure you are a very successful carrier lady. Congrats tlaga. Keep it up dahil we are very proud of you.

Till here na muna guys got to say mabalos and hasta la vista

Rgds,
James
Back to top Go down
View user profile
labornurse



Number of posts : 71
Registration date : 2007-11-04

PostSubject: hello starbatchers   Sat Aug 16, 2008 1:32 pm

Good morning, Good evening to everyone,

As usual it is Saturday morning here at home, the usual household chores, the usual "silip" muna sa Forumotion... the usual routine.... the kids are watching the Olympics basketball in TV in the family room, so libre itong computer again.


Larry: Nice to hear from you again. Ang ganda ng Ambot-ambot mong ala-visayan poem/verses mo, ang gandang basahin, nakakatawa, ewan ko ba kung "bakit" ako tumatawa eh "HINDI" ko naman naiintindihan ang pinagsasabi mo! Siguro lang kasi, nakakatuwa ang mga "rhyming" ng words mo, ang spelling. Pasensiya na, Tagalog ako, Batanguena. Pero, I think na nakuha ko yung mga Americanized names. Talaga ikaw Larry, you are so full of imagination! Who would even think of writing a "funny poem" such as this! Of course, ikaw yata!

Miss ko na rin yung mga kuwento sa mga experiences mo sa Baguio. Kagaya ba noong kuwento mo about yung "patay" na pinuntahan mo. Kinakausap mo kamo yung patay, at noong hindi ka sinasagot, akala mo isnabera, hanggang sa may nagsabi na iyo na patay na pala iyon at dahil wala kang salamin sa mata, hindi mo masyadong nakita na patay pala yung kausap mo. Naalala ko, tawa-ng tawa din ako sa kuwentong iyon. How is your missionary work & school?

Ang ganda nga pala ng latest "class pictures" natin. Yes, I do agree, we have to update this pic sa 2010.

Jimmy, James or Igme: Which is which? Hala ka, o ano, napansin ni Admin na ang dami mong pangalan. Yes, I do remember from HS. naririnig ko na ang tawag sa iyo ng mga boys ay Igme, aba kahit hindi tayo nagkakausap, when the boys group passes by in the corridor, ang lalakas ng mga boses ninyo. Ikaw lang yata ang mukhang tahinik oon, yung ibang 1V-1 maingay. Nasaan na nga ba si Big Boy? Tinataning din ni Jun kung nasaan nasiya. Kaklase namin si Big Boy, 1V-3 siya, hindi at one point in HS, naglayas ba siya ng bahay? Siya nga ba iyon o si Eduardo Marinas ba ang naglayas? Or is it both of them?

Freddie: Ano na ang nangyari nga pala sa mga "Private Detectives" mo? Wala pa yatang nakakahanap sa mga nawawalang ka-bacthmates. Sige nga, idagdag mo na rin sa listahin ng mga hahanapin sina Ronaldo"Big Boy" Santos, si Renato"Rolly Enriquez" si Eduardo Marinas, bukod kina Ayee at Elmer. Sa mga lV-3 boys & girls, pakihanap naman sina Alejandro Garcia, Ruel Payumo, Sina Renelyn Ricohermoso, Carol Bicera, naku sino pa nga yung iba? Out-numbered yata ang mga lV-3 ah, vs. lV-1? Kita mo noong reunion, kami lang ni Jun ang lV-3...
Ikaw ha, isa lang ang "nahanap" mo na I requested noon na hanapin parasa akin. Pero, it was well worth it na mahanap ang isang D'Panots. Pero hindi pa rin kami kumpleto, can you find them for me? May pasalubong ka sa akin pagdating ko diyan, I promise!!

Nanette: Hello there my dear. Long time no hear but so glad that you are here recently. Ganun nga, if you have a moment in time to look us up here at work, just take a peek. That is what I usually do at work, sumisilip din, & if I have time in between "screaming" patients, nakakapag-post ako. One time nga nagpo-post ako sa isang bakanteng labor room, tapos bigla akong na-overhead page, yung pala manganganak ang pasyente ko. I can't wait to see you again in person after 30 or so long years. No news about our other Panot members?

Thelma: Mukhang missing in action ka yata? Hope to hear from you soon.

Take care all,
prislette
Back to top Go down
View user profile
fernando ronnie



Number of posts : 5
Registration date : 2008-08-07

PostSubject: just dropping by to say THANK YOU for the WELCOME   Sat Aug 16, 2008 8:06 pm

Happy reading to all of you batchmates! mabuhay AHS77 .no. 68 posts si Priscilla pa lang ang may message . regards to your family. same signature smile with dimples. thanks for the welcome ! and also to freddie and JAYME Dungca maraming kaming experience pero cla ang maraming naaalala. masarap pa rin kasama c Ladran magaling pa rin magsulsol . parang wala pa rin cla sa forum Ladran and Labial . puro L kami kaya they should be here . alam ko row 2 kami .we just have a chat me and Jayme Duncan the other day and delayed for another week or weeks his surgery. im sure sa lakas ng dating nya kayang kaya yon. to all Batchmates out of the Philippines its like being here when youre logged in on this site!! SEE you here soon
Back to top Go down
View user profile
freddienicdao



Number of posts : 61
Registration date : 2007-10-22

PostSubject: HAPPY SUNDAY   Sat Aug 16, 2008 11:30 pm

A happy Sunday to All of you my dear batchmates,
I don't usually use my computer during Sundays kaso iniwan ako ng aking mga chicks at nagpunta ng parlor kaya iniwan akong magisa sa bahay. Ang hirap talaga ng puro chiks kasama sa bahay, magastos hehehe.

Ka Igme - Pasensiya kana hindi kita matawag ng James parang aatakehin ako ng hyperacidity.Mestiso kasi mga pangalang James at alam mo namang galit ako sa mga yan at parang gusto nilang palitan ang famous na descrIption na TALL DARK and HANDSOME . Hindi maari yong Tall, white and beautiful hindi maganda pakinggan. Mas da best pa rin ang original at saka wala ka pang narinig na white is beautiful kaya kung itinakwil muna ang lahi natig mga kayumangi may pahahon ka pang magbalik loob. I'm sure sasabihin ni June Recidoro sa akin "TOTALLY AGREE MAN!!!
Siya nga pala si Willy Sarmiento yong sinasabi mo na may puwesto sa Paco ng niyogan. Kaibigan ko ring matalik yan kasi pag inuutusan ako ng lola ko na bumili ng niyog panggata at siya ang nakatao ay libre na kaya may pambili ako ng Sa Malamig ni aling Chedeng.

Prislette - Nag istrike yata mga PI ko hindi ko nabigyan ng allowance simula noong mapunta ako ng Indonesia pero kahit ganon inereport pa rin nila na nakita nila si Big Boy Santos kaya nang dahil kay Big Boy na contact itonng si IGME at Randy. Nakausap ko na rin siya at may schedule nga kaming magkita. Hayaan mo at mga nabangit mong pangalan ay pasasama ko sa list of Missing Person sa kanilang Mission order.

Larry - na assign ako sa Cebu ng almost one year pero hindi ako natuto ng Cebuano masyado. Ang hindi ko malimutang salita ay LAMI KAAYO. Sa susunod Ilokano naman o Panggalatok . Tiklop na ko hindi ko kaya Powers nyo ni trifee sa poims at balagtasan.. .. i REST MY CASE YOUR HONORS.

Pasensiya na nagtext na mga chicks ko at nagpapasundo na . Ang hirap talag nitong mapagmahal sa babae kailangan laging sumunod sa kanila pero bilib mga kasmahan ko at suweldo ko sa CHIKS nauubos hehehe. Ikaw na magkaanak nang tatlong babae di ba?

O hanggang sa muli.. HAPPY WEEK END SA INYONG LAHAT,
Back to top Go down
View user profile
Roel/Letty Pelagio



Number of posts : 216
Registration date : 2007-11-04

PostSubject: I miss you guyz!!!   Sun Aug 17, 2008 5:38 am

Good day to all of you my dear batchmates! Wow, happy ako when I read all your messages here, ang dami kaya it took me a while before I started to post, kasi nga I read all the messages first para wala akong ma-miss sa mga kwento/postings ninyo.

Pareng James -> oks na oks sa akin & I'm sure pati kay Roel na magtawagan tayo ng kumpare & kumare kahit dito man lang sa forumotion or even kahit magkita-kita tayo soon as a sign of our long-time friendship since we're in high school. It seems sa mga postings mo, marami kaming natutuwa sa mga stories mo during our high school days. Mas masaya nga kung makakapag-post na rin dito sina Sonny Ladran & Alex Labial, dapat siguro ay matutukan sila nila Pareng Freddie & Pareng Jun. I know, gusto ring magpost ulit ni Ronnie Labao, mabuti na lang at nakapag-chat kayo recently at na-i-guide o siya ulit how to post here dahil nakakaligaw nga lalo pa at bago rin siya, not like you mukhang na-master mo na on how to post here, once or twice ba ako may nakitang messages mo over the bakod w/c I've copied/pasted here at once for everybody to read, kasi sayang ang effort mo kung hindi nila mababasa di ba? Tama si Ehris, si Cristina Solas nga yung sinasabi mong medyo healthy na may-ari sila ng furniture shop sa Paco, close siya sa atin lahat, medyo strict nga lang ng konti, di ba sila ni Catherine Kabiling ang best friends (sayang no news about them yet). I'm sure Pareng James, you still remember Fe Robles (Mareng ATG tried to contact her several times sa Intel Phils., pero hindi talaga makausap or ma-confirm if Fe is still working there), may pwesto rin sila ng saging sa Paco market, napapadaan kami doon kapag naglalakad kami at mahirap sumakay, kami ni Marian dela Cruz ay yung pa-Singalong-Vito Cruz ang sasakyan sa Paco para makarating ng San Andres, accessible kami both pa-San Andres or pa-Vito Cruz na jeep. Ang galing ng sales talk mo kay Prislette, feeling ko malapit na siyang magpabili ng laptop kay June, including the accessories you've mentioned para sa laptop. Hay naku, naikwento na rin sa akin ni Mareng ATG nung magsayaw kayo during our JS (Junior/Senior prom), pwede nga raw dumaan ang tren sa layo ng distance nyo eh, & correct, lalo pa nga raw kayong kinakantiyawan ni Teresa 'Reggie' Rivera, kaya nga impossible na hindi mo matandaan si Mareng ATG, eh kahit pala sa Epifanio ay magka-kalase na kayo. And fyi, kami (Mareng ATG, Ma. Teresa 'Thez' Bautista-de Jesus, Marian dela Cruz, Fe Robles, Mercy Canuel at ako) ang magkakabarkada nung high school. The last time we saw Mercy was nung 1998 Reunion sa Jorama Restaurant in Paco, then after that ay nawala na ang communication namin & by that time, she owned a gasoline station somewhere in Quezon City, sana nga mas marami pa tayong makitang batchmates, para mas masaya at mas marami pa tayong maka-kwentuhan. Hay naku Pareng James, I reminded you na several times that your message might get lost, hayan, na-experienced mo na rin nga, talagang nakakapang-gigil at nakakainis (grrr.....), imagine kung kelan marami ka ng nai-type for us to read, pag-send mo ay nawalang parang bula. Same thing that Ehris experienced last week ago, nawala rin yung mahaba niyang message. Correct, I did na rin yung thru Microsoft word muna ako nagda-draft ng message, then copy/paste ang ginagawa ko. Pero sa ngayon what I'm doing (maybe you can try & all our batchmates too) na kapag mahaba na ang nata-type ko dito sa post reply, I highlight & copy it before sending, para pag hindi pumasok, I can just click again the post reply & paste my message, mas madali at hindi totally nawala kasi naka-save di ba?

Ehris -> hi friend! Naku ha, it seems you're taking seriously in releasing your stress by enrolling sa Pilates course to trim down & have your regular exercises na rin. Ok yan lalo pa at may time ka, besides kahit all around ang household chores natin, still kulang pa rin ang mga kilos natin para matawag na tamang exercise. Tama ka, talagang for the past few days, medyo tied up na naman ang schedules ko kaya hindi mo ako natitiyempuhang naka-online, may mga personal errands akong inaayos, but I have to be home before my kids arrive from school. Nakuha ha, nakakalula ang size ng paa ng 2 gwapings mo, pang malalaking tayo ang sukat ng shoes nila ha, parang barko ba sa laki (joke....). Totoo ka, mabilis lumaki our kids, but still nandoon pa rin ang closeness namin ng kids ko, hugging, kissing, tickling, joking, etc... w/ them, close din sila kay Roel pero may kasama ng hiya lalo yung eldest ko na medyo dalaga na at dalaginding na yung bunso pero napakalambing nila pareho sa ama, kaya nga naiinip na si Roel na umuwi eh

Trifee -> yes, same here, nice to chat w/ you again few days ago. I hope the contact numbers & the e-mail addresses you've asked ay na-i-saved mo ng lahat para you can get in touch w/ all of them anytime you wishes. I agree w/ some of our batchmates na talagang, ang galing mo sa poetry (take note, in English pa ha!). Nice to hear too that you're adjusted na rin finally diyan sa new workplace mo & away from your family. Anyhow, sa ngayon, we all have the fastest means of communications kahit nasaang part pa tayo ng mundo, kaya you can always get in touch easily to your family once you're missing them & to us too

Prislette -> hello my dear friend! Musta na kayo ulit lahat diyan? Fyi, when Roel called me up last week, nahiya na raw siyang tumawag sa inyo kasi 11 p.m. na diyan, kaya nahiya na siyang tumawag sa inyo. Anyhow, he take note of what you've said na kapag wala kayo sa house ay sa cellphone ni June siya tumawag dahil palagi niyang dala, not like you na iniiwan mo ang cellphone mo sa locker mo kasi nga hindi allowed sa working station mo. You're right Prislette, talagang nakakatuwa ang mga postings here recently lalo na yung kay Pareng James. I'm looking forward din na kapag nag-decide ka na nga to have your own laptop ay we can chat to the max. Hay naku, talaga nga lang siguro ayaw kang pasingitin ng mga kids mo once you've learn how to chat, katulad niyan, nalaman mo na may Yahoo Messenger pala ang computer ninyo sa house. Kahit ngayon, I can send you an invitation (just tell me if ok lang) at papasok iyon sa YM ng kids mo, pero kailangan ay alam ko ang e-mail address nila sa Yahoo para kapag naka-online sila, I can request them if we can chat, or if not, wait na lang kami na magkaroon ka ng sarili mong laptop. Ok din ang gusto mong kulay na laptop ha, lipstick red (bloody red din iyon di ba?). And kita mo, Pareng James if very much willing din to assist you if ever you have your laptop na, whatever questions daw ay pwede mong itanong sa kanya

Ehlie -> hello to you & nice reading your latest posting here. I'm happy to see you too last Thurs., Aug. 14 during our batch meeting, kahit grabe ang lakas ng ulan sa Manila kaya bale konti lang tayo. At least you gave your word before tayo maghiwa-hiwalay when I told you na matagal ka na ring hindi nakakapagpost dito. You look great & have that ready smile for each & everyone of us. Thanks too for the short story & the tips you've shared w/ us here. Hope to hear more from you.

Larry -> musta na my good friend! Haaayyyy.... salamat naman at naayos na rin ang internet connection after several weeks ago. Thanks for that red-carpet welcome mo para sa ating lahat dito sa forumotion, you're really have a 'word-of-honor' that you will welcome yung mga bagong nadagdag dito sa forumotion natin, pero hindi lang sila ang nilatagan mo ng red carpet kundi lahat tayo. Naku ha Larry, honestly, zero ako kapag Visayan language na ang usapan, but like Prislette, kahit wala akong naintindihan, still I've read your Visayan poem ng buo, tawa rin ako ng tawa kasi namimilipit ang dila ko pati na ang mga names namin na naging Bisaya rin. Of course, magaling ka rin sa English poetry, great example was the poem you've made sa complete name ni Prislette, na ginawa mo pang acrostic, or depende kung sino ang gagawaan mo ng tula? Anyhow, lahat naman tayo ay may hidden talents, yung iba ay nadedevelop at yung iba ay itinatago na lang pero nailalabas din sa tamang panahon. Examination week din ng mga kids ko kaya nagre-review sila ngayon at mabuti na lang at holiday sa Monday, mas may time pang mag-review, kaso may mga projects/assignments ang ilang teachers, kaya hindi rin nakapag-review agad, siyempre tinapos muna ang project. At kapag gustong magtime-out sa review, they listen to music muna, then kapag medyo narelax na ng konti ay balik review ulit, ang daming subjects pa naman sa high school (both academic & non-academic). By the way Larry, thanks for the very cute group picture of hours, for sure mapapalitan na iyan by 2010

Nanette -> hi! Nice to know na like most of us here, talagang hindi maiwasang matawa ka sa mga postings dito. Imagine, hindi mo namalayang lumipas na ang oras ng pananghalian mo. Alam naming marami kayong busy sa work & malaking bagay for us na nakakapagpost pa rin kayo rito. Thanks for your nice word about me, basta't para sa batch, "I'm always here".

Ronnie -> happy to read your recent message here. It's good at nakapag-chat kayo ni Pareng James, medyo nalilito ka nga raw on how to post here, ok lang iyan, in due time magiging madali na sa iyo ang magpost, besides, bakit hindi mo ako tinext or tinawagan kaya, para na-i-guide kita ulit. Huwag na kasing mahiya eh, remember, we're all friends/classmates/batchmates here. Hope to read more messages from you

Pareng Freddie -> you made me smile Pare! Correct, puro chicks ang kasama mo but I know na you're more lucky kasi "you're the only MAN naman sa buhay nila (sa ngayon)", kasi kapag nagsipag-asawa na ang mga pretty daughters mo, more or less, iyon na ang magiging MAN of their life, kaya enjoy the days while they are single), pero nakakasiguro ka naman sa maganda kong kumare that you will be her ONLY MAN, matanong ko lang Pare, si Mare lang ba ang ONLY WOMAN mo? (joke lang ha.....!!!) Razz

To all of you batchmates -> hello & regards!

P.S.: Sana hindi mapagod ang mga eyes ninyo sa haba ng nobela ko. Kapag naumpisahan ko kasing magtype ay natutuloy-tuloy ang flow ng message ko eh! Wink
Back to top Go down
View user profile
anna



Number of posts : 9
Registration date : 2008-04-27

PostSubject: "ETO NA NAMAN AKO "   Sun Aug 17, 2008 9:54 am

Hello and good day to all of you Batchmates ! Eto na naman ako at nagpupugay sa inyong lahat ng Maligayang pagbabasa.
Jaime Dungca- Thank you naman at naalala mo pa ako. Ako na nga lang ang nag iisang nakasayaw mo malilimutan mo pa (joke ) . Kung sa bagay i can't blame you also , kasi marami ka din nakasayaw nung J/S natin , pero alam ko ako ang di mo malilimutan kasi sa layo ng agwat natin nung isayaw mo ako ng "Sweet " eh di ka naka iskor(joke , joke , joke ). Kidding aside alam ko naman na Gentleman ka kaya di ka na nangulit. Hows your health hope ok na ? OO nga correct ka don grabe talaga ang crush ni Myrna kay Geli, pati name ko ginagamit nya pagnatawag kay Geli sa phone ,kaya tuloy kinabukasan sinisita ako ni JGeli kung ako daw ang ang tumawag sa kanya palibhasa si Myrna naiingit ata nung ako ang naging partner ni JGeli sa arnis kasi di sya ang ginawang partner. Minsan nga uutusan pa ako na kausapin ko daw si JGeli para sa kanya. Pero , in fairness naman kay Myrna she is super bait at very frank person. How did you know that my previous employer is KAMERAWORLD INC. ? Actually i'm not the head of Accounting Dept. but isang hamak na Junior Bookkeeper lang. I am now connected with ROMAGO - Elec. /mech contractor , here , I'm the Comptroller , actually 20 years na ako dito sa co. Marami din akong opportunity na pinalagpas kasi dapat nakapag work din ako sa Phil . Refining Co. (PRC) nung 1988. kaya lang I choose Romago , siguro dahil ang magiging husband ko dito ko pala
na meet. At nung 1999, dapat BIR Examiner na ako kaya lang pinigil ako ng Owner , nahiya naman ako kasi ninang namin sa kasal.

EHRIS- Kamusta ka rin bestfriend? OO nga I wish makapg chat at makapag kwentuhan tayo. Actually walang pasok bukas ( Aug. 18 ) at yung mga kids ko sleeping na kaya nakasingit ako dito. O diba ang haba ng message ko. Ok lang ang mga daughters ko , yung eldest ko sa FEU - Nursing student, yun 2nd naman grade 8 ( second year High school ) at yun bunso grade 3 - both Sta. Isabel College sa Taft. Regards also to your honey and kids.

Larry- Musta ka na din ? basta always take care of your health kasi alam ko very "sweet " ka din tulad ko . hinay hinay din sa activities mo. Kasi I know dami umaasa sa iyo diyan sa community mo na mga less fortunate.

Prislette- How are you din? Kamusta kayo ni Jun and kids. Always take care of yourself ha kasi i know very active ka din sa work mo ? FYI , di na nga ako masyado kinukulit ni Mareng Letty na magpost nag sawa na ata? Anyway , basta naman nasa high spirit at nasa mood ako makwento rin ako.

Mareng Letty - Ano pa ba sasabihin ko eh lagi tayong magka -usap. Regards na lang sa yo and TY for reminding Jaime D. , kung sino si ANNA bow ! Very Happy

Freddie- asus ! nagtaka pa kung bakit 3 girls ang anak niya eh obvious naman na baka playboy ka (joke ). Di ba sabi mo pag ENGINEER eh ? ? ? ? kaya nga pareho kayo ng husband ko na 3 girls din di ba???? Tignan mo si ALEX di ba Engineer din ?.

GOD BLESS YOU ALL and TAKE CARE "CAUSE I CARE (NAKS) Very Happy

Annabelle Tupaz Gueco
ATG
Back to top Go down
View user profile
Roel/Letty Pelagio



Number of posts : 216
Registration date : 2007-11-04

PostSubject: HAPPY BIRTHDAY TO YOU 'RONNIE' LABAO!!!   Sun Aug 17, 2008 11:54 pm

Magandang araw/gabi sa inyong lahat!!!

'MALIGAYANG KAARAWAN' sa iyo batchmate na RONNIE LABAO!!! Saan at kailan ba ang blowout (kung meron lang naman....... joke lang, ha, ha, ha..... Razz Razz)

Ronnie Labao -> Siyempre I will not forget that it's your special day today (Monday, Aug. 18) kaya a sincere greetings of a very "HAPPY, HAPPY BIRTHDAY TO YOU" from me & my whole family Very Happy . Fyi, I called up sa house ninyo & your pretty wife told me that you're out daw, kaya I've sent you a text birthday greetings na rin, sana dala mo ang cellphone mo. Anyhow, I'm wishing you good health, good business at sana ay masundan na rin ang "unico hijo" mo, alam naming kayang-kaya nyo pa ng wife mo to have more kids, di ba? Anong masasabi nyo batchmates, especially you Pareng James?

Mareng ATG -> correct ka diyan Mards, sa dalas nating mag-usap sa phone, minsan tuloy wala na tayo halos masabi for each other. Alam mo kaya hindi na kita kinukulit to post here, kasi nagpo-post ka ng kusa eh, at sa totoo lang, naaliw ako sa recent postings mo, ang lakas mo pa ring mang-asar (swabeng-matindi) & it's ok para masaya lahat dito, sa edad natin ay wala ng pikon di ba & besides, like Pareng James, ang tindi rin ng memories mo during our high school days. Kaya nga lang medyo nagtaka ako kay Pareng James when he said na wala siyang maalala about you, kita mo, biglang bumalik lahat ang alaala niya about you, lalo na nung i-spell-out ko ang complete name mo, pati nung magtrabaho ka sa Kameraworld ay naalala rin niya

Larry -> hello & hoping na pahinga ka today kasi holiday ngayon di ba?

To all of you my dear batchmates -> warm hello & regards from me & Roel! Wink


Last edited by Roel/Letty Pelagio on Sun Aug 17, 2008 11:55 pm; edited 1 time in total (Reason for editing : Just added some emoticons.)
Back to top Go down
View user profile
James Dungca



Number of posts : 37
Registration date : 2008-08-04

PostSubject: knock...knock...helllo everybody !!!   Mon Aug 18, 2008 4:04 am

Happy Birthday Ka Ronnie,
Naku Ka Ronnie birthday mo pala nung August 1 buti nalang sinabi ni Mareng Letty.Kung anjan ako sinagot kona 1 case ng beer para sayo. Buti nalang wala ako diyan hehehehee...joke only. Kidding aside, pano yan nadagdagan na naman ang edad mo? Sus naman ang pogi2 mo pa naman ng makita kita sa pics nung birthday ni Mrs Sarmiento. At saka ganyang nadagdagan edad mo pano yung plano natin na magwork ka dito? Baka edad palang reject na hehehehe joke ulit.

Pare, nakausap ko na si Adrian yung contact person ko dito sa Qatar para sa vacant post ng isang matinik na photographer na tulad mo. Diba sabi ko sayo sa YM maganda offer? Sana matanggap ka sayang din ito at pag nagkataon kita tayo dito sa Qatar. Biruin mo old classmates magkikita sa Qatar? Sana nga, teka wag muna yun, yun munang aaplayan sayang baka sumablay. Eto email add niya pasa mo daw credentials mo ha, dagdagan mo yun like what Ka Freddie said, na pag nagpakuha ng picture sayo yung pangit gumaganda at yung maganda lalong gumaganda. And they don't need Dr. Belo para tumagos ilong sa pics, lalo na yung mga tagyawat at pekas, tanggal lahat yun kukutis ang mukha sa pics. ganun ha? Okey eto email add send mo agad tatanungin ko siya kung nareceived nya ok : btxstation@yahoo.com

Tama ka nga row 2 kayo na mga L-boys like Alex Labial,Badong Ladran at ikaw nga. Sus naman sinabi mo pang L sama naman ng dating nun parang…. hehehehe...teka buti pa mga classmates i-breakadown ko dito mga cheating arrangements ng section natin para maalala ninyo pano tayo nagkokopyahan sa long test ni Mr Taro. Ingat ka ulit Labao sa pagpronounce ka Mr. Taro ha...hala ka kaya kami sinigawan dahil sa yo....dinagdagan mo yung dulo ng name niya.maalaala mo kaya? o kaya magpakaylanman.

Cheating arrangement for the boys ng IV-1 in Alphabetical order courtesy of Mrs Sarmiento

Row 1 : Tino Balaba,G.Bernabe,Rudy Concepcion,James Dungca,J.Geli,Elmer de Guzman
Row 2 : Rudy Victori Ingiaen, A.Labial,S.Ladran,F.Labao,Samual San Luis,Jonathan Manuel
Row 3 : Ayee Marbella,T.Miaco,Freddie Nicdao,F.NunezIII,Ernesto Ong, Cirilo Jun Papa
Row 4 : Roel Pelagio,Edgardo Surban,Larry Perez Tan,Ernesto Villota

Classmates....anybody who can remember other classmates I missed out? Baka magalit sa akin. At yung mga girls Mareng Letty kaw na bahala alam ko naman minsan me cheating arrangement din kayo hehehee...sensya na rin po sa ibang section mga batchmates, mas maganda rin i-reminsce ninyo ang inyong mga cheating arrangements para masayang alalahanin now that malapit na tayong mag golden age.

Yung row 2 sa itaas madiskarte sa cheating arrangement, o walang kokontra ha? lalo na si Doc Jonathan swabe kumopya ke Elmer at si Badong hehehehe...kasama na rin dun yung ibang mga me-L nickname sabi ni Pareng Labao.

Sa Row 1 madalas absent si Balaba busy lagi military officer kasi. Si Ompong ganun din sa Explorer. kaya pagdating ng long test diskarte ulit ganun lang. Bilib ako ke Ompong Concepcion super galing sa recitation yan, panong dko alam katabi ko. Si Elmer, naman nakita ninyo sa dulong kanan, tapat na tapat sa teacher kaya ang hirap magpakopya nun. Di tulad sa likod sa row2 tagong-tago.

Mareng Letty,
Musta Mare? Teka magandang idea yung cheating arrangement balikan nyo at gawa ka naman for the girls masarap sariwain yun para pag nakita namin maalala kung pano at san nakaupo bawat isa. Si Myrna singkit lang ata tandang-tanda ko kasi nga panay siko sa akin ni Geli pag tumitingin kaya di ko rin malimutan upuan niya.

Pareng Freddie,
My dear friend you have no other recourse but to accept my new name James at yang Ka Igme no longer exist, considered a foregone conclusion….hehehehe. Look, si Pareng Fernando Nunez III original nickname is Ante but after hi school he opted to change it to Randy until we became used to it, henceforth the name Randy. So in this regard, I was encouraged to also shift my name in similar fashion. As what Larry Perez Tan said, a name to reckon with….americanized name like Randy Crawford and James Duncan,este James Dungca pala….hehehehe…o dba classmate? Your name Alfredo we shorten it to Alfred Nicdao. Bagay na jan yung pangalan sa tall,dark and Handsome...Wow nice.

Ang galing you still remember nga si Willy Sarmiento, the guy who made us laff and giggle all day long. Masarap ngang bumili ng palamig kina Aling Chedeng sa Dart pero dapat bago ka bumili dun ng palamig kain ka muna ng barbeque saging dun sa kanto bago lumiko sa Anak bayan. Dun ako lagi kumakain ng barbeque saging ang sarap.

Anna,
Thanks my health is still ok with daily intake of medicine so far. Till my operation comes I hope and prayed everything will go back to normal. I’m happy you have a good post sa Romago my understanding kasi you are head of Kameraworld nga yun. Tama si Fe Robles ang nagmention sa akin Kameraworld ka daw at head ka dun. Nasa Intel Phil pala siya. Sayang kung natanggap sana ako dun noon nagkita kami. Sa Bangkal dati yun sa Makati. My extensive experience nuon is more on semicon industry and other related-electronic manufacturing like hardisk and computer mother board assembly. Sayang opportunity sa Malaysia sa Unico Technology 1995,isa ako sa napili training in Oregon Intel Plant coz we manufacture nga Intel mother board s Malaysia kaso nagkaron ng visa problem. Mahabang kwento saka nay un.

Prislette,
How are you na ulit? Ano binili ka naba ni Jun ng Laptop? Teka tell Jun Kumpare kong buo si Ronaldo Aldo BigBoy Santos pero sad to say hindi na siya bigboy ngayon at small boy nalang kasi pumayat at naging loner ang friend ko. Single pa rin till now na-frustrate ata sa nililigawan ng ireto namin nina Edgardo delos Reyes,Willy S. at Randy Nunez sa isang girl binigyan pa naman niya ng flower. Hamo kumustahin ko siya at kako your Jun is giving his best regards. He’s very nice guy mabait na tayo yan at very low profile. He has a sad story alam ko isa siya sa bestfriend ko din but I will keep in secret nalang.

Mareng Ehris,
Musta ulit mareng Ehris? Ayan na nadala na ni Ka Freddie yung tanong ko na taga Paco market si Willy Sarmiento daw tama siya galling talaga ni Ka Freddie ano? Kita mo pag mga taga paco ambilis mahuli name parang ikaw lakas din ng memory. What keeps you busy nowadays iha at malapit na matpos ang Olympics, si Phelps history in the making. Ilan nab a gold ng Australia? Wala sila sa Pinas…walang medal.

Paalam ulit my dear batchmates, hope you enjoy my messages,

Rgds,
James
Back to top Go down
View user profile
Admin
Admin


Number of posts : 590
Registration date : 2007-10-22

PostSubject: WARNING GUYS: MAINIT NA ISYU ITO PLEASE UNDERSTAND!!!!   Mon Aug 18, 2008 9:07 am

Anybody who may update forumotion regarding the election? Sana may taga-forumotion na tumakbo, sino2 ba ang tatakbo, kasi honestly feel ko sobrang kampihan ang nangyayari sa QT, magalit na ang magalit sakin. Prangka ako sa totoo lang, tapos na ang panahon ng mga Explorers at Dramatics Club until ba naman now ay sila-sila pa din. ANG GANDA SANA NG NAUMPISAHAN NI MA'AM JOSEPHINE NA VERY CLOSE KO NONG ELEMENTARY PA LANG, PERO NAKAKASIRA ANG MGA NAKAPALIGID SA KANYA.... PWEDE BANG SA ELECTION, KUNG MAY TATAKBONG MAY MALINIS NA HANGARIN AT HINDI BIASED ANG SYANG IBOTO LASNG NATIN?

SANA DIN PLS PATI KAMING NANDITO SA MT. TRALALA EH MAKABOTO, PARA NAMAN MAGING MAALIWALAS ANG HANGIN NG BATCH 1977. SANA FOLKS DON'T MISINTERPRET ME, NAKAIRITA LANG SAKIN ANG MGA KADRAMAHAN LATELY, MAY IYAKAN BLUES NA NAITEXT SAKIN, PINAKINGGAN ANG CRYING LADY AT KINAAWAAN, AKO NA NAMAN ANG KONTRABIDA! ABER KUNG FORUMOTION LANG ANG PWEDE SA BAHAY KO, THAT'S MY PREROGATIVE, PLS RESPECT MY PRIVACY. HINDI AKO PLASTIC, I CAN NEVER BE CIVIL TO PEOPLE ACTING LIKE PHARISEES. Sa mga bagong narito ipinapagumanhin ko ang sentimyentong ito pero sana basahin nyo for a backgrounder ang ginawa ng clique na yan sa atin na please lang 'wag nyong iboboto, let's boycott them, ibahin naman na5in ang trends, yung may delikadeza naman, here's the full messages of QT 1977 Coffee Shop na ginulo ng mga ito. At hanggang ngayon ay iba ang treatment sakin!!! http://www.quicktopic.com/40/H/xPmDneidVVXi . I AM APPEALING NA SANA MAY TUMAKBONG TAGA SATIN DIN NA BUWAGIN ANG CLIQUE, SIPSIPAN, AT KUTCHABAHAN. AT GAMITIN NATIN ANG ATING PUSONG MALINIS PARA WAG MANATILI ANG NAGHAHARING LIPI!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! MAtatanda na tayo, let's be mature enough to use our miund and vote!!!! Please sana may tumakbong totoong tao at may malinis na puso at hangarin para sa kagandahan ng AHS Batch 1977.

EVEN DURING THE TIME OF CHRIST, THE LORD DID NOT MINGLE WITH THE THE PHARISEES BUT HE CONDEMNED THEM, AND CALLED THEM, "HYPOCRITES, TRAITORS, VIPERS". SO SOrRY KUNG I-OPEN KO ITO CUZ I AM APPEALING THAT IF SOME FORUMOTION COFFEE AFICIONADOS RUN FOR THE ELECTION, WE SHOULD SUPPORT THEM AND BLAST THE CLIQUE THAT INFESTS THE BATCH. Magalit man ang madami sakin, sorry na lang mga iho at iha, kasi dapat hindi nyo ginawa ang pakinggan lang ang crying lady na hindi alamin ang side ko!!! AKO KUNG KIKILALANIN NYO KO DERECHO AKO, DI PASIKOT-SIKOT NA MADAMING HOOLA-BALLOOOS PA. PAAWA? ang mga talikurang approach ay dapat alisin!!! Iyakan? Bulungan, kutchabahan!!! Akonga twing magpost sa QT tanging si Josephine lang ang nag-acknowldge sakin at si Manny Cortez eh. WALA SAKIN YUN NAGING TOTOO LANG AKO SA USAPAN NAMIN NI JOSEPHINE NA MAGPASUKAN KAMI NG MESSAGE BOARDS PARA MAGKAISA MULI! Pero kung ganyan naman na naluluto ako ng talikuran, ay WAG NA LANG. Anyways, may QT RPES kami nila Josephine where we can chat. SA MNGA CLOSE SA CRYING LADY AT NALABASAN NYA NG SAMA NG LOOB SAKIN, WELL DAPAT NAMAN KUNG TINURING NYO KONG BAHAY NI KUA OR BATCH OR KAIBIGAN IN THE '70S ANO BA NAMAN ANG TEXTAN NYO KO AT ICLEAR ANG MATTER. WELL FOR PURPOSES OF CLARIFICATION, MAY I POST THAT MESSAGE NA NAKALADKAD ULI ANG NAME KO!!!

I AM BACK AFTER A LONG VACATION HERE BUT NOT IN THE MINISTRY
by Admin on Sat 5 Jul 2008 - 7:20
Saka mga batchmates, please kung napaguusapan ang pag-visit sakin sa Baguio, please tell them na exclusive lang sa Forumotion ang visit dito, so sorry talaga. Plus of course, Noreena, Maria Teresa Bautista, Alex Labial, Ompong, Sam, lahat ng nasa Forumotion lang please, please, I hope they will understand me. Iba't iba kasi tayong pagkatao, saka hindi ako mayaman to accomodate so many people, IF YOU WILL CONSIDER ANG BAHAY KO DITO AY SUPER DAMI LAGI ANG BISITA, MAY DORMS SA SCHOOLS NAMIN KAYA AS IN MAHIRAP. PLEASE TELL RACQUEL NA I CHANGED MY MIND SA NAPAGUSAPAN NAMIN IN PASSING NA KUNG PWEDE DITONG MAGRETREAT, I KNOW KAYANG KAYA NAMANG MAG-ORGANIZE SA IBANG VENUES HERE, NAHIHIYA NAMAN AKONG KUMASYA SILA SA MALIIT KONG PARAISO DITO....... NAG-USAP KAMI NI MISIS, AT NAINTINDIHAN KO SIYA! SOBRA KASING UMAAPAW ANG MGA ACCOMODATIONS NAMIN, MAHIRAP. What is important ay bukas ang bahay ko sa Forumotion Kapihan aficionados!!!!!! Naaaaks, lakas niyo!!!!

ANONG MASAMA DYAN PARA IYAKAN AT PAGUSAPAN AKO, DI BA? wHY DON'T YOU TEXT ME, CALL ME, OR GET MY ATTENTION RATHER THAN BACKBITE ME PHARISEES? CONFRONT ME WAG PARANG KUYOG KAYONG HANGGANG TALIKURAN LANG KAYO, WALA AKONG UTANG NA LOOB SA INYO PARA LAGARIIN NYO ANG NAME KO, SHAME ON YOU!!! KUNG PWEDE KO LANG NGANG ALISIN ANG NAME KO SA AHS BATCH 1977 KUNG MAGPAPATULOY ANG BULOK NA BARKADAHANG YAN!!!! Sana mabuwag ang nagkakampihang lakas-pwersang yan at iupo niyo ang mga MAY TAKOT SA DIYOS!!!!

Haaaay naku, talaga namang nakakausok ng ilong, patawarin ako ng Panginoon. Naiintindihan Nya ko kasi may sarili din Syang mga Pariseo sa buhay Nya na kumundine sa Kanya at nagpapako sa Kanya sa krus.

KAYA PWEDE BA MGA BATCHMATES, MAY TUMAKBO NAMAN SA INYONG WALANG DUGONG KILINGAN, SIPSIPAN, PLAYING SAFE, BARKADAHAN. PAKIBURA NAMAN ANG CLIQUE SA AHS ALUMNI NATIN, HINDI LANG KANILA ANG BATCH NATIN, EXCUSE ME, FORGIVE ME. Panahon na para palitan ang namumunong lahing ito, ASAP!!!!


Last edited by Admin on Mon Aug 18, 2008 10:43 am; edited 2 times in total
Back to top Go down
View user profile http://ahsstarbatch.forumotion.com
Admin
Admin


Number of posts : 590
Registration date : 2007-10-22

PostSubject: MAY I POST MY PAST MESSAGES ABOUT THE PHARISEES?   Mon Aug 18, 2008 9:57 am

JUST TO SHOW YOU GUYS, IT'S ABOUT TIME TO BLOT OUT THE CLIQUE THAT DESTROYS THE IMAGE OF AHS 1977, BAGO KO PA LANG ITO ITAKWIL? ANYWAYS MAY IBA PA NAMAN AKONG ALMA MATER!!!! I LOVE ARAULLO BUT THE ALUMNI ASSOCIATION'S "SHADOW GOVERNMENT" MUST BE ERADICATED, OR IN SIMPLER EXPLANATION, TEAR IT UP BY THE ROOTS!!! Use your votes!!!!!!!!!!!!!!!!

ITO PO PAKIBASA ANG SENTIMYENTO KO SA NAGHAHARING LAHING YAN!!! THIS IS MY POST RE PRISLETTE'S 50 GOLDEN BIRTHDAY CELEBRATION NA HUMANTONG SA KALAHATAN PLUS THE PHARISEES INSTEAD NA PANG-FORUMOTION LANG SINCE IT WAS BRAINCHILDED HERE......

Naku Letz salamat sa correction na nakita mo,
by Admin on Wed 23 Apr 2008 - 6:58
that was really for Ehris, ano ba yan Leticia, grabe na ang memory gapo ko hahahaha!!! Salamat, ganun ba. Paano ba yun ano, kasi yun ang nasa frame of refrence ng mind ko, pati sila kasama a, i guess i read it like twice over the bakod sort of. Correct me if I am wrong. Again thanks, I guess all of us here are looking forward to it. Ang sama ko ba batchmates kung umayaw ako kung kasama lahat? Kasi di ko talaga kaya, bumabalik sa isip ko ang rough words noon during their mad-throwing spree sakin. Na I guess sinagot ko biblically and straight forward lang di ba? Nagi-guilty tuloy ako Letz ewan ko if you guyz can identify why I feel this way, there's something that shouts "No" inside of me. Honest lang ako!!!! Kasi our orientation in the family and church is never again mingle around with guys who caused you pains already and division, not unless they cleared up all issues and resorted to sort of restitution. Satin nag-okay ang lahat sa tapikan lang pero hanging pa din ang kay Ompong, hanggang don lang ba yun at iniwasan na ang lahat, mabait si Ompong, ang sa akin hindi pwede yun kasi dapat managot ang dapat managot. Grabe ang naging alegasyon sa kanya and for fairness' sake dapat naiconfirm like nang sinabi ng isang tao na tama lahat ng sinabi ni Ompong dapat ikinumento nya yun at kinumpirma di ba. Haaaay, mahirap talaga na ang upbringing sakin ay detalyadong pag-amin sa katotohanan. Otherwise as the Bible put it, ituring na lang ang mga taong hindi umaamin ng kasalanang naopen sa publiko na tulad ng isang publikano (or like tax collector or castaway).

I WANT TO MAKE THINGS QUITE CLEAR ON MY PART, THAT YES, EVERYTHING'S OKAY NOW THOUGH LIKE A COURT CASE (here I go again) IT WAS NEVER CLOSED YET. AND THE OFFENDERS WERE NOT EXPOSED TO CONFESS THEIR SIN and they can always repeat it to anybody who may be future victims. I AM SAYING THIS CUZ HAD IT NOT BEEN WITH THEIR SINS AND PROBLEMS, MY NAME WAS NOT DRAGGED TO GROSS EMBARASSMENT THEN. Historical na naman si Larry pero I hope you understand me.... (monologo, monologo)!!!!

KASI NAMAN DAPAT IWASAN NA ANG LOKOHAN SA KAPWA... THEN AND THEN, WE CAN SAY PAST IS PAST. CONFESS YOUR SIN, ACCEPT CHRIST AS YOUR LORD AND PERSONAL SAVIOR LIKE WHAT THE SOLDIERS LATELY DID, A CHRISTIAN BIBLICAL FOLLOWER TALKED TO THEM ABOUT REBELLION TO THE GOVERNMENT AND THEY CAME TO A PERSONAL RELATIONSHIP WITH THE LORD, PRESTO, THEY ASKED FOR FORGIVENESS IN MAISNTREAM MEDIA. THAT'S IT....... THEY WERE FORGIVEN AND THE TRUTH SET THEM TRULY FREE!!!!

Prislette, no mention about it anymore, not at all but....
by Admin on Thu 24 Apr 2008 - 4:48
Don't get confused sweetie!!!! It's just that sometimes I visit the old stories and archive of the heat that happened before andit pained me so much to recall how much my name was tainted because of something that was not even justified at the end. As the Bible puts it, "Let all things be done decently and in order." It didn't happen, so parang sayang ang mga pinaglaban at pagsira sa mga pangalan kung hindi din naiklaro ang ugat ng mga sobrang sakitan na sukat aminin natin ay nagdivide ng grupo natin. Natapos ang mabigat na pangyayari sa tapikan lang, "wala na sakin yun, kalimutan natin." Ganun lang? At theheight of problems I usually resort to be historical, patawarin niyo ko. Condemn me if there's something bad that I do in here. Wala kasi akong masyadong outlet, I prayed about it cuz it's the only way that I may release the negative energy that past unresolved problems usually bother me. Sorry Prislette, but please no worry, ganun talaga ako, kasi di ko masabi sa asawa ko over thephone kasi lalo nya kong hindi papayagan sa activities ng grupo cuz she witnessed how I was affected during the height of the heat. Forget it, nag-out lang ako dito. Kasi hindi ako sanay na talikuran ang isang problem na nag-cause ng malaking apoy na basta na lang babasain ng konting pawis tapos na. Sorry Prislette don't get confused.... that's only my way of saying in advance na if hindi by invitation ang 50th natin, baka hindi ako pumunta at kung open sa lahat. I hope hindi ako Kill Joy I got valid reason naman, masaya na ko naman kung masaya kayo. Basta pag nandito kayo ni Jun na eh drop by and pagluto ko kayo hane? Chicken pandan, chicken cordon blu, etc. hehe, sarap. Sige po.


Last edited by Admin on Mon Aug 18, 2008 9:01 pm; edited 1 time in total
Back to top Go down
View user profile http://ahsstarbatch.forumotion.com
Admin
Admin


Number of posts : 590
Registration date : 2007-10-22

PostSubject: tapos kakaladkarin ang name ko sa isang prerogative ko na...   Mon Aug 18, 2008 10:10 am

AYAW KO SILANG BISITA SA BAHAY KO LALO NA YUNG UMIIYAK AT HARI NG NAGHAHARING LAHI!!! PURO TALIKURAN!!! ANO BA YAN!!!

Pasensya na po kasi abuso na sila na pagusapan ako na nagmalasakit lang sa grupo, OO KUNG WALA AKONG NAGAWA SA GRUPO AT LEAST WALA AKONG KASING LAKING KASALANAN NILA AT PAGDARAYA SA GRUPO NA KADALI NILANG PAIKUTIN ANG MGA NAGING KAIBIGAN AT KARELASYON NILA NOON!!! AT BAKIT WALA BA SILANG UTAK PARA ISIPIN NA BAKIT AKO GAGAWA PARA SA KANILA? MORE IMPORTANTLY GUYS, I DO NOT INTEND TO BE ACTIVE IN A GROUP WITH THAT KIND OF LEADERSHIP, WHY SHOULD I WASTE MY TIME, MONEY AND EFFORT SUPPORTING THEM, I AM STILL IN MY RIGHT MIND. PAKAININ KO NA LANG AT UBUSIN KO ANG PANAHON KO SA MGA ASO KO!!!! THEY'RE WORTH MY TIME!!!

Please respect the integrity of my name!!! I BELIEVE IN THE SAYING THAT "CRIMINALS ARE THE GREATEST MAD THROWERS!!!!"

At ang ibang nasa QT naman you may email me and clear things out hindi yung tatahimikan nyo lang ako, na dati naman nong high school tayo ay mga close tayo! That's unfair kasi you took side in the name of barkadahan!!! I CAN DO WITHOUT YOU CUZ FOR ME JESUS CHRIST IS ALL TO ME!!!

Sana paki-update ako sa darating na halalan, so I can cast my vote and help tear up this clique by the roots!!!! SIBAKIN SILANG LAHAT SA PWESTO SA PAMAMAGITAN NG BOTO, NAKAKASAWA ANG MGA MAPAGSAMANTALA LALO NA YUNG GUMAGAMIT NG SIKUHAN SA KUYUGAN, BARKADAHAN AT SIPSIPAN. MAY VOTE BUYING KAYA SILA? SANA NAMAN WALANG BRASUHAN KUNG HINDI SULATAN KONG ISAISA ANG MA BATCHMATES NA ALAM KONG NEUTRAL AT TAHIMIK LABAN SA MGA KUYOG NA SSB!!!

I WILL DEFINITELY VOTE!!!! and please, let us those who are not from Manila be allowed to vote!!!

I APPEAL TO YOU FORUMOTION BATCHMATES, PLEASE SAVE OUR AHS 1977 BATCH FROM STINKING!!!! SAVE IT PLEASE CUZ I AM A PART OF IT. DON'T LET THEIR CONSPIRACIES EAT UP THE INTEGRITY OF THE GROUP FOR THEIR OWN SELFISH INTERESTS. PANO NA LANG KAMING MGA HONOR STUDENTS NG BATCH NA ANG ILAN SAMI'Y BIKTIMA NG PANLOLOKO AT PANLALAIT NILA? PANO NA LANG KAMING MGA GUSTONG SUMAMA SA ACTIVITIES NG BATCH AT SILA ANG NAMUMUNO NA HINDI MAN UMAAMIN NG NABUKING NILANG PAGDARAYA AT MGA NANINIRA NG PANGALAN KO SA BATCH HANGGANG SA NGAYON? ITCHA-PWERA NA LANG BA KAMI PANGHABANG BUHAY HABANG SILA'Y NAKAUPO DYAN? Tama na mga dramahan, matatanda na tayo, face up to what really is going on and correct it!!! SANA TUMAKBO SINA FREDDIE, JUN PAPA, LETTY, ATG, AT KAYO NA NANDITO!!!!


Last edited by Admin on Mon Aug 18, 2008 5:05 pm; edited 7 times in total
Back to top Go down
View user profile http://ahsstarbatch.forumotion.com
Admin
Admin


Number of posts : 590
Registration date : 2007-10-22

PostSubject: MY FAREWELL MESSAGE TO JO AND QT KAMUSTAHAN....   Mon Aug 18, 2008 10:16 am

JOSEPHINE LIONGSON-LEYBA, MUCH AS I TRIED TO BE TRUE TO OUR GENTLEMAN'S AGREEMENT TO POST MESSAGES IN OUR RESPECTIVE MESSAGE BOARDS, I GUESS THE TIME CAME WHEN I FULLY REALIZED THAT I CAN'T BE CIVIL TO PEOPLE WHO'VE BEEN STABBING ME AT MY BACK EVEN TO PEOPLE WHO I THOUGHT WERE COMFORTABLE IN FORUMOTION BUT I GUESS WERE JUST MERE WEIGHTLESS SOUL PILGRIM IN OUR SITE HERE!!! (sa galit ko na-wrong spelling tuloy ako ng word na stubbing hahaha, erratum, stabbing).

THANKS FOR ACKNOWLEDGING MY EVERY POST IN QT KAMUSTAHAN, BUT I GUESS I BETTER STOP AND SIGN OFF!!! HONESTLY I DID NOT FEEL I AM WELCOME IN THERE, EXCEPT FOR YOU AND MANNY CORTEZ NA MAY MGA ETIKETA. SANA JOSEPHINE, YOU MAY BE ABLE TO LOOK INTO THE KIND OF CLIQUE EXISTING IN YOUR BLOG!!!! THANKS SEE YOU IN QT RPES NA LANG!!!

SIGURO KUNG NABUWAG NA ANG NAGHAHARING LAHI, AY PWEDE ULI AKONG MAGPOST!!!!


Last edited by Admin on Mon Aug 18, 2008 9:15 pm; edited 3 times in total
Back to top Go down
View user profile http://ahsstarbatch.forumotion.com
Sponsored content




PostSubject: Re: WELCOME AHS77 STARBATCH KAPIHAN ADDICTS...   

Back to top Go down
 
WELCOME AHS77 STARBATCH KAPIHAN ADDICTS...
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 17Go to page : 1, 2, 3 ... 9 ... 17  Next
 Similar topics
-
» Usual Thoughts and Life of Internet Addicts

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
AHS STARBATCH KAPIHAN :: Your first category :: Your first forum-
Jump to: